fbpx
Saturday, January 23, 2021

TINGNAN: Mga customized ataul sa Ghana

78
Image via Reuters

Sumikat ang isang lalaki sa bansang Ghana dahil sa kakaibang talento sa pagdisenyo ng mga – ataul.

Sa panayam ng Reuters kay Joseph Ashong o kilala bilang Paa Joe, ikinuwento nitong sinimulan niyang gumawa ng mga ataul noong 1962. Ngunit sa nakalipas na 15 taon, kinarir niya na ang paggawa ng mga binansagang “fantasy coffin”.

Ayon sa ataul maker, inaalam niya kung ano ang trabaho ng namayapa at doon ibabatay ang hitsura ng paglalagakan ng labi. Kapag piloto ang namatay, bubuo siya ng ataul na mukhang eroplano.

Images from Reuters

Dagdag pa ni Joe, itinuturing niya ang sarili bilang isang artist.

INNITY ADS

Bumida na din sa mga iba’t-ibang exhibit sa buong mundo ang mga nilikha niyang ataul.