TINGNAN: Tatay na nag-panic nang maiwala ang alagang hamster ng anak, viral online

258

Nabigyan ng titulong ‘Internet’s cutest dad’ ang isang tatay matapos itong mag-panick nang maiwala ang alagang hamster ng anak.

Viral online ang ibinahaging tweet ni Stephanie Veerman tungkol sa mensahe ng amang si Daniel Veerman na tila takot na takot sa pagkawala ng hamster na si Chester.

Sabi niya sa kanyang post, “My dad took over my hamster once I went back to college and ended up getting really attached and today he escaped and this goes to prove how truly pure my father is.”

INNITY ADS

Makikitang paulit-ulit na humihingi ng paumanhin ang kanyang tatay at sinabing hahanapin niya si Chester kahit ano’ng mangyari.

“Oh my God I’m so sorry honey I’m so sorry I’m looking everywhere,” aniya.




Nililinis daw niya ang kulungan ni Chester nang bigla itong tumakas.

Mababasa rin sa mensahe ni Daniel na hindi niya umano mapapatawad ang sarili kapag hindi natagpuan ang alaga ng anak.

“If I can’t find him today I’m not going to work tomorrow so I can keep looking,” dagdag niya.

Kahit ilang beses na rin binanggit ni Stephanie na hindi niya sinisisi ang ama sa nangyari at ayos lang kahit hindi mahanap ang alaga, iginiit pa rin ni Daniel na prayoridad niyang matagpuan ito.

Maya-maya pa ay nagpadala ng larawan si Daniel kung saan ipinaliwanag nitong naglagay siya ng harina para makita ang footsteps ng alaga sakaling bumalik ito sa kulungan niya.

Saad niya, “So I know he’s still alive.”

“I’m so sorry, Steph. This is my biggest screwup ever. I will make it right,” dagdag niya sa mensahe.

Aniya, dapat daw ay siniguro niyang nasa kulungan na si Chester para hindi na ito nakawala pa.

Sa huli ay laking gulat ng anak dahil nagtagumpay ang kanyang tatay sa paghahanap kay Chester.

“This was the most stressful day in my life since I took the bar exam,” saad ni Daniel.

Ang naturang palitan ng mensahe ng mag-ama ay agad na umabot sa 89,000 retweets at mahigit 361,000 likes online.

Marami rin ang natuwa kay Daniel at sinasabing isa siyang amazing at cute na tatay.

“This is the most adorable thread I have ever read on this website. Thank you,” sabi ng isang nag-comment.

Sa huling post ni Stephanie, sinabi niyang ipinaalam niya sa kanyang tatay na marami na ang nagmamahal sa kanya dahil sa nag-viral na post.