TINGNAN: Mag-asawa, nagdala ng wedding photo habang magkaangkas sa motorsiklo

380
(Di Umano Facebook page)

Bilang patunay ng kanilang relasyon sa gitna ng umiiral pa ring general community quarantine, hindi lang basta marriage contract kundi wedding photo na ang dinala ng mag-asawa habang magka-angkas sa motorsiklo.

Agad nagviral sa social media ang Facebook post ng Di Umano dahil sa kumalat na larawan ng mag-asawa dala ang malaki nilang wedding photo.

Bago pa man ihayag ng gobyerno na maaari nang pahintulutan ang mga mag-asawa na mag-angkas hangga’t mayroong maipapakitang marriage contract, inunahan na ng kakaibang diskarte ng dalawa ang naturang protocol.

Tila ipinagsisigawan ng mag-asawa ang patunay ng kanilang relasyon bilang nagsasama kaya pwedeng-pwedeng umano silang magkaangkas sa motor.

Saad sa post, “Hello DILG! Pwede na po ba ito?”




Hello DILG.. pwedi na ba ito?

Posted by Di umano on Thursday, July 9, 2020

Sa ibabaw ng wedding photo ay makikita ang isang marriage contract ng mag-asawa.

Dahil sa kakaibang istilo, nagtrending ang larawan na agad umabot sa libu-libong netizens.

Kasalukuyan nang mayroong 63K likes, 131K shares at mahigit 8K comments ang post online.