TINGNAN: Batang may dalang batya ng paninda sa loob ng jeep, hinangaan ng netizens

3190
(Photo from Wencil Acosta Facebook)

Naantig ang puso ng netizens sa larawan ng isang batang lalaki na may dala-dalang batya ng paninda sa loob ng jeep.

Sa ibinahaging retrato nitong Nob.25 ng netizen na si Wencil Acosta, makikita ang bata na nakaupo sa loob ng sasakyan na nakayapak at nakasuot ng bag at dala-dala ang tila mga gulay niyang paninda.

Sabi niya sa kanyang post, “Anong dahilan mo para tumambay?Anong dahilan mo para maging tamad at higit sa lahat anong dahilan mo pra hindi magsumikap? 😬😬”

INNITY ADS

Dagdag niya, napahanga siya sa lakas ng loob at kasipagan ng bata na kahit wala pa sa tamang edad ay nagtatrabaho na.

Agad namang umani ng papuri at paghanga ang lalaki mula sa mga komento ng netizens.




May nagsabing, “May awa din ang Dios soon you will be successful little boy 💕 basta mag sumikap kalang at wag huminto sa mga pangarap mo .. 👍”

“Wowww sna all ganyan kasipag☺️☺️wish u a good health and more blessing little boy,” sabi ng isa pa.

“Ipagpatuloy mo anak at may mararating, Good luck and God bless you,” saad ng isa pang nagkomento.

Marami rin ang sumaludo sa bata na gusto pang magbigay ng tulong bilang regalo sa bata lalo’t sasapit na ang pasko.

Kasalukuyan namang nasa mahigit 33K likes at 41K shares ang naturang post online.