TINGNAN: Lalaki, nagde-deliver ng pagkain kahit putol ang isang binti

1290

Kahit umiiral ang enhanced community quarantine dulot ng banta ng COVID-19, tuloy pa rin sa pagkayod ang isang person with disability (PWD) mula sa Mandaue City, Cebu.

Umani ng halos 10,000 reactions sa social media ang post ni Ronald Ar-Ar Ouano tungkol sa nakitang delivery boy na putol ang kaliwang binti.

Sa kuhang larawan, makikitang gumagamit ng saklay ang trabahante para makarating at makasampa sa motorsiklong nakaparada.

INNITY ADS

Kuwento ng uploader, napansin niya ang trabahante sa harap ng isang restawran na bahagyang nahihirapang kumilos.

Pero sa kabila ng kondisyon, nagawa pa rin ng driver ng maayos ang kaniyang trabaho.




Minabuti raw ni Ouano na i-post sa Facebook ang nakaaantig na tagpo para magsilbing inspirasyon sa publiko.

“A lot of the people today do nothing but complain and criticize about what is happening, but this food panda delivery guy, despite being physically challenged, takes all the risk just to serve and survive. Respect,” mensahe ng netizen.

(PHOTO COURTESY OF RONALD AR-AR OUANO)