TINGNAN: Guro, nagturo ng anatomy sa kakaibang kasuotan

3330
(Image via Michael @mikemoratinos Twitter)

Kakaibang istilo ang isinagawa ng isang guro mula Spain nang magsuot ito ng isang ‘bodysuit’ para sa pagtuturo ng anatomy.

Ayon kay Veronica Duque, 43, nais niyang maging makatotohanan at maging madali para sa mga Grade-3 pupils na makita ang iba’t ibang parte sa loob ng katawan ng tao.

“Knowing how hard it is for kids this young to visualize the disposition of internal organs, I thought it was worth giving it a try,” aniya.

INNITY ADS

Para sa kanya, sa loob ng 15 taong pagtuturo, panahon na umano para mas buhayin ang kanyang mga aralin sa anatomy.

Kwento ni Duque, nabili niya ang naturang suit online.




“I was surfing the internet when an ad of an AliExpress swimsuit popped up,” saad niya.

Kaysa umano ipakita ang kanyang katawan sa pagsusuot ng tipikal na swimsuit, mas pinili niyang suutin ang kakaibang bodysuit na may nakaguhit na bahagi ng katawan ng tao.

Samantala, sa sobrang tuwa ng kanyang asawa ay ibinahagi nito ang ilang larawan ni Duque online.

Sabi niya sa kanyang post, “Very proud of this volcano of ideas that I am lucky to have as my wife 😊😊.”

“Today she explained the human body to her students in a very original way 👍🏻 And the kids were freaking out 🤣🤣 Great Veronica !!! 👏🏻👏🏻😍😍,” dagdag niya.

Agad na umani ng samu’t saring reaksyon sa Twitter ang naturang post na pumalo pa sa mahigit 68K likes.

Mayroon namang ilan na biniro ang suot ni Duque sa kanilang mga komento.