TINGNAN: Food rider na naka-Spider-Man costume, kinaaliwan online

383
(Hericson Malig Facebook)

Kinagiliwan ng netizens ang isang GrabFood rider na nag-ala superhero habang nagde-deliver sa gitna ng pandemic.

Suot ang Spider-Man costume, viral online ang rider na kumakayod sa gitna ng krisis matapos ibahagi ng Facebook user Hericson Malig ang ilan sa kanyang litrato.

Saad niya sa post, “Grabe talaga ang pandemic na to pati si spiderman natuto na dumiskarte hahahaha.”

(Photos: Hericson Malig Facebook)

Makikitang tila hindi alintana ng rider ang init ng araw habang marami ang namamangha sa kakaiba nitong istilo.

Dahil marami ang natuwa sa post, agad itong umani ng libu-libong likes at komento online.




Biro ng isang netizen, hindi na raw kailangan pang mag-mask ang naturang rider.

“Sana ma-hire ko yan sa grab food para makapag pa autograph ako HAHAHAHAHAHA,” saad naman ng isa.

Sabi naman ng isang commenter, “Real life Peter! Superhero ka ng bayan, sir!”

Marami rin sa netizens ang nagbahagi ng mga larawan ng iba pang riders na naka-Spiderman costume.

Sa ngayon ay mayroon ng 2K likes, mahigit 6K shares at mahigit 200 comments ang post sa Facebook.