fbpx
Sunday, January 24, 2021

TINGNAN: Diaper, ginamit na alternatibong face mask

227
Courtesy Kevin Pamatmat
Dahil nagkakaubusan ngayon ng face mask sa mga tindahan at drug store, kanya-kaniyang diskarte ang mga Pinoy para hindi malanghap ang abo mula sa Bulkang Taal.

Kagaya na lamang ng ilang residente sa Liliw, Laguna na nagsuot ng diaper sa kanilang ulo.

Ayon sa uploader na si Kevin Pamatmat, kailangan maging maparaan sa oras ng kalamidad.

Aniya, ang wais na diskarte ay nakakatulong na pampagaan ng loob sa gitna ng kinakaharap na krisis.

INNITY ADS

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na maaring gumamit ng basang diaper basta siguraduhing nakapuwesto ito ng maayos at matatakpan ang ilong at bibig ng isang tao.

Dagdag pa ng kagawaran, dapat itong basa-basain upang hindi masuffocate ang sinumang maglalagay ng diaper sa mukha.