TINGNAN: Batang naulila, ayaw umalis sa puntod ng magulang

15677
Image from Azuan Shamsuddin

BACHOK, MALAYSIA – Maraming netizen ang naantig sa istorya ng dalawang taong gulang na batang namatayan ng magulang sa murang edad.

Umani ng mahigit 3,500 shares ang kuwentong ibinahagi ni Azuan Shamsuddin tungkol sa pamangking ayaw umalis sa puntod ng kaniyang tatay at nanay.

Ayon kay Shamsuddin, hindi alam ng batang si Arfan na nasawi ang magulang niya sa aksidente nang mabangga at tumilapon sa sinasakyang motorsiklo.

INNITY ADS

Dahil palaging tinatanong at nami-miss ng paslit, binisita nila ang libingan ng dalawa noong araw mismo ng Pasko.

Sinabi daw ng lalaki sa musmos na nakatira sa ilalim ng buhangin ang mama at papa niya.




Tila kinakausap sila ni Arfan nang bigla siyang umupo at maglaro sa puntod.

Sumisigaw rin ang bata ng “Mom! Mom” sa pagbabakasakaling makikita at mayayakap ulit ang pinakamamahal na ina.

Dagdag pa ni Shamsuddin, ayaw nang umuwi ni Arfan at inihayag na mas gustong manatili sa nasabing buhanginan.

“This evening brought to abi and mother’s grave, like to talk to mom. When you say mom here she also lives bu bu like calling. Don’t want to go home, like to stay playing sand there, at home don’t play sand at home.

Allahu clearly saw him missing, pull his hand to go back. Later we will mai again ye arfan”, kabuuang post ng ginoo sa wikang Malay.

Naging emosyonal naman ang ilang netizens sa pinagdadaanan ngayon ni Arfan.

Pangako ni Shamsuddin sa publiko, maayos nilang palalakihin si Arfan at may takot sa Diyos.