Tindero ng sapin-sapin, kinabibiliban dahil sa galing mag-solve ng Algebra problem

1240
Screenshot captured from Jane Erica Cordero video on Facebook.

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang isang math-tinik sa sapin-sapin vendor sa Daraga, Albay.

Sa kuhang bidyo ni Jane Erica Cordero, makikitang minamani-mani ng tindero ng kakanin ang pagso-solve ng Algebra problem.

Kuwento ng uploader, napansin ng lalaking nagtatalo-talo ang isang klase sa Daraga Community College habang naghihintay siya ng mamimili.

INNITY ADS

Bukod sa pagsagot, tinuruan din ng manlalako ang klase sa gagamiting mathematical equation.

“Tinuruan niya kami kung paano at ano ang dapat gawin. Tinuruan niya kami kung paano solusyunan ang isang problema,”  post ni Cordero sa kaniyang Facebook account.




Nang masolusyunan ang one-million-dollar question ng mga estudyante, inalok niya ang paninda sa mga ito.

Hindi naiwasan ng mga mag-aaral, at maging mga guro, na hangaan ang tindero sa galing niyang mag-solve ng math problems.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 100,000 views ang Algebra solving 101 video ng tindero.