Taong-grasa, naghahanap-buhay para sa mga alagang pusa

224

Naging viral ang kwento ng isang taong-grasa na nagtitinda ng prutas sa Thailand para mapakain ang mga alagang pusa.

Si Loong Dum, nakatira sa mataas na istasyon ng tren sa naturang bansa ay nagtitinda ng dayap o lime araw-araw para sa alaga

Para sa kanya, hindi raw mahalaga na tugunan ang sariling pangangailangan basta masiguro lamang na nakakakain araw-araw ang kanyang mga pusa.

INNITY ADS

Pamilya raw kasi ang turing niya rito na umaasa sa kanya para mabuhay kung kaya ito ang una sa kanyang prayoridad.

Dagdag pa niya, may mga araw daw na hindi siya kumakain para sa mga ito.




Aniya sa isang interbyu,“I’m fine with skipping meals, but the cat needs to eat.”

Kwento pa nito, nakakaipon siya ng pera sa pagtitinda kahit na marami ang mga nagdadalawang-isip na bumili ng mga prutas niya dahil sa kanyang itsura.

Ang mga naipong pera ang ginagamit nito para bilhan ng makakain ang mga alaga.

Naging viral ang kwento ni Loong Dum nang mapansin ng isang netizen ang nakapaskil sa paninda nito na ‘20 baht per bag, profits will pay for stray cat’s food expenses.’

Dahil dito ay nagpasya ang mga netizens na bigyan ng bagong damit si Loong Dum at pagupitan ang kanyang buhok.

Umaasa sila na sa pamamagitan ng maliit na bagay na ito ay makakatulong ito kay Loong Dum na ilan lamang sa mga taong-grasa at walang sariling tahanan ngunit may malaking puso at may pagpapahalaga sa mga hayop.