#TaalHeroes: Mga magsasaka sa Benguet, namahagi ng sako-sakong gulay

182
Courtesy La Trinidad MPS

Kasabay ng pagngingitngit ng bulkang Taal at paghihirap ng mga residenteng lumikas, umusbong ang diwa ng bayanihan ng mga kababayang nais makatulong.

Isa na rito ang mga magsasaka mula sa Mountain Province na nagbigay ng libre at maraming gulay para sa mga apektado ng kalamidad.

Hindi nila ininda ang hirap sa pagtatanim, pag-ani, at posibilidad na mawalan ng kita, basta makatulong lamang sa kahit anong paraan.

INNITY ADS

Sa tulong ng La Trinidad Municipal Police Station sa Benguet, maihahatid sa probinsya ng Batangas ang donasyon ng mga mambubukid.

Labis ang pasasalamat at papuri sa kanila ng pulisya na ramdam ang taos-pusong malasakit sa kapwa.




Ibinahagi din ng awtoridad sa social media ang retrato ng mga trak na may kargang sako-sakong gulay na binuhat at inilagay ng mga kawani.

Ilan sa mga gulay na ipinamahagi ng magsasaka ay carrots, repolyo, at patatas.

Kumurot sa puso ng netizens ang damayan ng mga taga-Norte, dahilan para umabot ang post sa mahigit 50,000 shares at likes sa Facebook.