#TaalHeroes: Mahigit 100 hayop na nasalanta, kinukupkop ng isang farm sa Nasugbu

174
Courtesy Bobbie Garcia-Carranceja

Sa gitna ng matinding unos, hindi pa din nawawala sa mga Pinoy ang pagiging matulungin – mapa tao man o hayop ang nangangailangan.

Ito ang ipinakita ng animal lover na si Bobbie Garcia-Carranceja na binuksan ang farm niya sa Sitio Sibukawan, Brgy. Tumalim, sa Nasugbu, Batangas, para maging pansamantalang tirahan ng mga hayop na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Kuwento ng good samaritan, matagal na siyang nagliligtas ng mga hayop na nasa paligid. Halos 100 na raw ang nasagip niya na inaalagaan ngayon sa nasabing farm.

INNITY ADS

Nadagdagan pa ng aso, pusa, ibon, kuneho, pato at manok ang mistulang evacuation center na naisalba sa iba’t-ibang bahagi ng Batangas.

Ayon kay Carranceja, tumatanggap pa din sila ng mga hayop na nakatikim ng bagsik ng Taal Volcano hanggang ngayon.




Sa mga naghahanap pa ng animal shelter, maaring makipag-ugnayan sa caretaker ng farm ng ginang sa numerong 0999-449-1282.