Street kids foundation, pinasalamatan ang ‘longtime friend’ na si Kobe Bryant

162

Inalala ng organisasyong Tuloy Foundation na minsang nagpakain at nakipaglaro sa mga batang lansangan ang National Basketball Association (NBA) legend na si Kobe Bryant.

Tanda pa ng namumuno na si Fr. Marciano “Rocky” Evangelista ang galak niya nang malaman dadalaw sa Tuloy sa Don Bosco si Bryant.

Matatandaang pinuntahan ng yumaong basketbolista ang naturang shelter noong 1998.

INNITY ADS

Sa mensahe ng pakikiramay ni Fr. Rocky, sinabi niyang labis ang kanilang pasasalamat sa “longtime friend” dahil sa pagiging inspirasyon at pagbibigay ng kasiyahan sa libu-libong tao sa mundo.

Gusto din sana niyang imbitahin ang NBA superstar sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo nito bilang pari.




Ayon kay Fr. Rocky, itinuturing niyang “biggest highlights” sa pagiging pari ang pagdalaw ni Black Mamba sa Tuloy sa Don Bosco.

Mag-aalay din sila ng dasal sa naulilang kaanak nina Kobe at Gianna.

Namatay ang 5-time NBA champion at 2-time Olympic gold medalist nitong Linggo makaraang bumagsak ang sinasakyang helicoper sa Calabas, California.

(IMAGE FROM TULOY FOUNDATION)