‘Scuba dancing’: Grupo, sumayaw ng ‘Tala’ sa ilalim ng karagatan

745

Napahanga ang mga netizen sa kakaibang bersyon ng “Tala” dance challenge ng mga researcher at graduate students ng UP Marine Science Institute (UP-MSI).

Imbis kasi na humataw sa dance floor, kuwarto, o pampublikong lugar, umindak sila sa ilalim ng karagatan.

Suot ang kani-kanilang wetsuit, diving mask, at scuba tank, todo-bigay ang grupo sa kinaaliwang dance craze na pinasikat ni Sarah Geronimo.

INNITY ADS

Makalipas ang 24 oras, umabot na sa mahigit 78,000 views at 5,000 reactions sa social media ang video na ibinahagi ni Darryl Anthony Valino.

Ayon sa uploader, napagkatuwaan nila itong gawin pagkatapos ng field work sa isang research site sa Puerto Galera.




Noong nakaraang taon, muling pinagkaguluhan ng publiko ang awiting “Tala” matapos itong gamitin ng mga beki bilang “protest” dance laban sa isang nagngangalang Aling Nelia.

Panoorin ang kabuuang underwater performance ng naturang grupo:

(IMAGE COURTESY: DARRYL ANTHONY VALINO)