#SanaAll: Bride at groom, nakatanggap ng P844,000 sa money dance

3553
Courtesy J.Layno Digital Photography & Videography

Hindi lamang sa pag-ibig naka-jackpot ang mag-asawang Allan at Precilla Flores, pati na din sa cash gift na kanilang natanggap sa prosperity dance.

Sa mga kuhang litrato ni J. Layno Digital Photography & Videography, makikitang isinabit sa dalawa ang mistulang kapa at korona na gawa sa limpak-limpak na salapi.

Nanggaling daw sa mga dumalo ang pinagsama-samang Philippine peso, U.S. at Canadian dollars.

INNITY ADS

Tumataginting na P844,000 ang nakuha ng newlywed couple mula Binmaley, Pangasinan.

Bahagi ng tradisyon ng isang kasal ang “money o prosperity dance” o pagsusuot ng pera sa bride at groom habang nagsasayaw na pinaniniwalaang magbibigay ng good fortune sa dalawang nagmamahalan.




Kuwento nina Allan at Prescilla, karamihan sa mga bisita, ninong, at ninang na dumalo sa masayang okasyon ay mula sa Estados Unidos at Canada.

Literal na napa-“sana all” ang mga netizen sa karanasan ng mag-asawa matapos ibahagi sa social media ng grupo ang kakaibang money dance.