Police trainee, binilhan ng face mask ang nasitang PWD

414
Video captured from EDW Enterprises' CCTV.

Inulan ng papuri ang isang police trainee sa Sipocot, Camarines Sur matapos niyang bilhan ng face mask ang nakitang person with disabilities (PWD) na walang pang-cover sa mukha.

Ang pulis na good samaritan, kinilalang si Rodel Nuyles.

Kuwento ni Nuyles, nilapitan at kinausap niya ang PWD matapos mapansing wala itong suot na face mask habang nakapila sa labas ng money remittance center noong nakaraang linggo.

INNITY ADS

Nang malaman niyang wala itong pambili, hindi siya nagdalawang isip na bigyan ng face mask ang lalaki.

Ang pagmamalasakit ng police trainee, nakunan ng video at inupload ng isang netizen sa social media.




Labis naman ang pasasalamat ni Nuyles sa lahat ng humanga at bumilib sa kaniya. Sana raw ay magsilbing inspirasyon sa publiko at kapwa-pulis ang ginawa niyang pagtulong.