Plastic at garbage bags, ginamit na protective suit ng mga health worker

1635

Humingi ng tulong sa pamamagitan ng social media ang isang pagamutan sa Los Baños, Laguna para makakuha ng personal protective equipment (PPE) na gagamitin ng kanilang health workers na tumutugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Tes Despano, medical records officer at OIC ng St. Jude Hospital, gumawa na lamang ng improvised PPE ang mga tauhan ng ospital matapos maubusan ng supply nito.

Makikita sa litrato na nagsuot na lamang ng garbage bag sa katawan at nagbalot ng plastic sa ulo ang ilang medical staff bilang pamalit sa protective gear.

We are calling the attention of DOH or kung sino mang ahensya na maaaring makapag-supply sa amin ng Personal Protective…

Posted by Tes Depano on Thursday, March 19, 2020

Makaraang mag-viral sa Facebook ang post ni Despano, nagpadala raw ng dalawang PPE ang lokal na pamahalaan noong Linggo.

Subalit kaagad itong nagamit ng frontliners kaya wala nang natira pa.

Para sa mga gustong magbigay ng PPE, maaring tawagan ang uploader sa numerong 0949-796-4727.

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Lunes ng panibagong 82 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan para umakyat na sa 462 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nakahahawang sakit.

(PHOTO COURTESY OF TES DESPANO)