Paslit, aksidenteng naka-order ng sibuyas; Tatay, binulaga ng P1,200 bayarin

7853

Isang bata sa United Kingdom ang walang kamalay-malay na nakabili ng sibuyas sa online supermarket na umabot sa halagang £20 o halos P1,250.

Kuwento ng tatay na si Jamie Mitchell sa Twitter nitong Lunes, hinayaan niya lang maglaro ang anak na si Alice sa kanyang cellphone nang makatanggap siya notification ng delivery.

Nalaman ni Mitchell na naka-order ang 1-anyos na anak ng isang balot ng tatlong sibuyas, pero ang talagang gumulat sa kanya ay ang delivery fee.

INNITY ADS

Sinubukan pa raw itong i-cancel ng tatay, kaso sa oras na iyon ay paparating na ang delivery sa kanilang bahay, ayon sa ulat ng The Sun.

Nagkakahalaga lamang na £1.50 ang mga sibuyas, samantalang ang binayaran niya sa delivery ay pumalo ng £19.99.




“It was a tear-jerker. I couldn’t believe my eyes when I saw what she’d done. She always messes with my phone but she usually just calls the emergency services,” sabi niya.

“But it turned out that we were out of onions – so maybe Alice knew – and I wasn’t going to let the opportunity go to waste so I cooked us a curry with lots of nice crispy onions on top,” hirit ng tatay.

Nag-update din si Jamie sa kanyang tweet ng litrato ni Alice na masaya sa tatlo niyang sibuyas na ginawang onion rings.

Matapos mag-viral ang kuwento ng mag-ama na mayroon na ngayong 32,000 retweets, nag-alok ang Deliveroo ng dagdag na ingredients at £50 voucher.