‘Parang may mali’: Mga estudyante, nagsuot ng maskara para daw iwas-nCoV

485

Panandaliang napawi ng mga estudyante ang pangamba ng netizens sa novel coronavirus (2019-nCoV) dahil sa ipinakitang “paraan” sa pag-iwas ng naturang sakit.

Imbis kasi na n95 mask o surgical mask, literal na maskara ang sinuot ng mga Grade 7 student ng Cavite National High School.

Umani ng mahigit 100,000 reactions sa Facebook ang post ng gurong si Gilbert Bugarin kaugnay sa katuwaan ng klase niya.

INNITY ADS

“Para makaiwas sa nCoV, I advised my students to wear masks. Pero parang may mali.”, biro ng lalaki.

Pahayag ng uploader, may dalang maskara ang mga mag-aaral para sa school activity nila tungkol sa Philippine Festivals. Kailangan ito disenyuhan ng mga bata na akma sa tema ng Maskara Festival.




Hindi raw akalain ni Bugarin na maraming matutuwa sa kuhang litrato.

Pero sa kabila ng pagiging viral sa social media, nilinaw ng titser na sineseryoso niya at ng mga estudyante ang usapin ng nCoV at nagsusuot sila ng tamang face mask bilang pag-iingat sa paglaganap ng respiratory illness.

(IMAGE COURTESY: GILBERT BUGARIN)