Para hindi daw maghanap ng iba: GF, pina-print ang mukha sa brief na iniregalo sa nobyo

2617
Courtesy Jhamn Kathe Ruflo Lagmay

Literal na kakaiba ang regalo ng isang babae sa Pasay City para sa kaniyang pinakamamahal na nobyo.

Sa kuwelang Facebook post ni Jhamn Kathe Lagmay, binigyan siya ng kasintahang si Hannah Faith Encabo ng mga brief na naka-print ang mukha ng dalaga.

Ayon kay Lagmay, sinadya itong gawin ni Encabo para kung sakaling manloko siya at makita ito ng sinumang babae, tiyak na hindi matutuloy ang masamang balak.

INNITY ADS

Pero imbis na mainis, natawa at kinilig naman ang uploader.

“Hi love. Thank you sa gift mo. Lupit mo talagang magisip love wala akong masabi hehe. Epekto yan ng kakanood mo ng KMJS eh.” bahagi ng caption ng binatilyo.




Dahil sa natatanging handog ng dalagita, nagkaroon ng ideya ang ilang netizens sa kanilang ireregalo ngayong Pasko.

Umani ng mahigit 25,000 shares, 15,000 likes at mga nakatatawang reaksyon ang naturang post.