PANOORIN: Mga lalaking sumasayaw ng ‘Tala’ habang naglilinis ng bubong, viral

631
(Screenshot of the video from Rince Jonh Regis Singco Facebook)

Sa kabila ng pag-alboroto ng bulkang Taal noong Linggo at sa samu’t saring problemang iniwan nito, hindi pa rin nawawala sa ating mga Pilipino ang maging masaya at positibo.

Gaya ng magpipinsan mula sa Munting Ilog, Silang Cavite na sumasayaw pa habang naglilinis ng bubong ng kanilang bahay.

Viral kasi online ang ibinahaging video ng facebook user na si Rince Jonh Singco kung saan mapapanood ang kanilang pag-indak habang kumakanta sa videoke ang kanyang pinsang si Karla Regis ng sikat na kanta ni Sarah Geronimo na ‘Tala’.

INNITY ADS

Kasama ni Rince ang mga pinsan na sina Angelbert Regis, John Felix Regis, Rafael Alexis Regis at Rafael Cyruz.

Aniya sa kanyang post, “Tala dance challenge habang nag nililinis ng bubong.”




Agad na nag-trending sa facebook ang video at nakatanggap ng samu’t saring reaksyon.

Sabi ng isa, “Masaya kahit may bigat s dibdib..ganyan ang Pinoy sa pagharap sa mga pagsubok, laban lang πŸ€—.”

May mga nakapagsabi rin na likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging masayahin sa kabilaΒ  ng mga problema.

“Likas na masayahin talaga ang mga pinoy πŸ˜‡πŸ˜πŸ˜‚ nahihirapan at nasasaktan nay pag nakarinig ng tugtog ay sadya namang tatayo at sasayaw pa din πŸ’ͺπŸ˜‚ hindi po kau nabigo na makapagpatawa lalu na po nga sa sitwasyon ngaun πŸ˜‡πŸ™πŸ»,” saad naman ng isang netizen.

Samantala, umabot na sa 16K likes at 11K shares ang naturang post online.