PANOORIN: Unggoy na naka-bisikleta, tinangkang tangayin ang isang paslit sa Indonesia

2952

Ikinabahala ng ilan ang video kung saan makikita ang tangkang pangunguha ng bata ng isang unggoy na nagmamaneho ng maliit na scooter sa Indonesia.

Ayon sa Indonesia Expat, ang unggoy sa insidenteng nangyari noong Sabado ay parte ng topeng monyet — tradisyonal na street performance na nagsasanay sa mga ito na gumawa ng kakaibang bagay gaya ng pagbibisikleta, pagsusuot ng maskara at maging pamamalengke.

Sa video, makikitang huminto ang matsing sa tapat ng upuang tinatambayan ng isang nanay na may hawak na sanggol at dalawang paslit.

INNITY ADS

Bumaba sa motor ang unggoy, hinila ang isang batang babae at kinaladkad sa kalsada, bago tuluyang bitawan matapos takutin palayo ng isang lalaki.

Nagtamo ng mga gasgas sa noo ang bata, habang pinagpapalo naman umano ng handler ang unggoy matapos ang nangyari.




Umani rin ng batikos ang handler sa pagpaparusa sa alaga, at iginiit din ng ilang Indonesian na mali na gamitin pang-aliw ang mga hayop.