PANOORIN: Send-off ng Sta. Ana Hospital sa pasyenteng gumaling sa COVID-19

724

Masigabong palakpakan at pagbati ang pabaon ng mga health worker mula sa Sta. Ana Hospital sa kanilang pasyente na nagtagumpay sa pakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa video, makikitang nakatayo, nakahilera, at nagchi-cheer ang mga doktor, nars, at iba pang frontliner habang papalabas ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair.

Ipinost ni Manila City Mayor Isko Moreno sa social media ang nakaantig na kuha nitong Miyerkoles, Abril 1.

INNITY ADS

“Good luck, good health, God bless you!” ang paulit-ulit na sinasabi ng medical staff sa pasyenteng gumaling sa nakamamatay na sakit.

Hindi man ipinakita ang mukha, mapapansin sa aksyon ng indibidwal ang matinding kasiyahan na nagawa pang mag-selfie habang isinasagawa ang send-off sa kaniya.




Pumalo na sa 2,311 ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling detalyeng inilabas ng Department of Health (DOH).

Umakyat na sa 96 katao ang nasawi habang nasa 50 katao naman ang naka-recover.

(COURTESY MAYOR ISKO MORENO DOMAGOSO)