PANOORIN: Pulis na sumayaw ng ‘Tala’ ni Sarah Geronimo, viral online

12381
(Kris Chan Facebook)

Trending ngayon ang nakaka-goodvibes na isang police officer matapos niyang sayawin ang ‘Tala’ dance ng singer na si Sarah Geronimo.

Ibinahagi ni PO Christian “Kris Chan” Mabini sa kanyang Facebook ang naturang dance challenge na agad pumatok sa maraming netizens.

Aniya sa kanyang post, “#TalaDanceChallenge na Naman ni #TianLaagan 😊✌🏼😊. SAYAW is life but DUTY is lifer πŸ‘ŠπŸΌ. #TALAngLESPU πŸ‘ŠπŸΌ”

INNITY ADS

Para sa pulis, pampa-goodvibes lamang ang kanyang sayaw para sa pagtatapos ng taon.

Mapapanood ang video ni Kris habang masaya nitong sinasayaw ang naturang kanta na agad nakatanggap ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.




Sabi ng isang nagbigay ng comment, “Sir, iba ka! πŸ†πŸ’―”

Marami rin ang napa-idol sa naturang pulis at talaga nga namang humanga sa angkin nitong galing sa pagsayaw.

Samantala, umani na ng mahigit 70K likes at 7K shares sa Facebook ang naturang post.

Enero 2016 nang mailabas ang kantang “Tala” ni Sarah Geronimo at nito lamang ay nauso at pumatok ang Tala dance craze ng singer.