PANOORIN: Pagtanggi ng CNN anchor na makipagkamay kay Salceda, nag-viral

1547
Screengrab from CNN Philippines Facebook live

“Awkward” ang nangungunang reaksyon ng netizens sa pagtanggi ni CNN Philippines broadcaster Pinky Webb na makipagkamay kay Albay Representative Joey Salceda.

Sa nag-viral na video, makikitang kakamayan na sana ng anchor si Salceda bago ang panayam sa “The Source” noong nakaraang Miyerkules, nang bigla niya itong bawiin.

Ilang sandali ring naghintay ang mambabatas bago tuluyang ibaba ang kanyang kamay, na talaga namang “awkward” para sa mga nakapanood.

INNITY ADS

Nilinaw naman ni Webb sa Twitter na pamamaraan ito sa pag-iwas sa lalo pang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19, na sinabi rin mismo World Health Organization (WHO).

“I remembered: Avoid handshakes (natatawang emoji) No offense to Cong Joey Salceda of course,” saad niya sa tweet.




 

Umabot naman sa higit 44,000 likes at 35,000 shares ang katulad na video na ibinahagi naman sa Facebook.