PANOORIN: Mga madre, naglaro muna ng basketball habang lockdown

1247
Screenshot from Alejandro Avila's Twitter video

Nagpahinga muna ang isang grupo ng mga madre sa Spain mula sa pananahi ng mga face mask na kanilang idino-donate sa gitna ng pandemic.

Nag-viral sa Twitter ang video ng mga madre sa Seville, na ginawang pampalipas oras sa gitna ng lockdown ang paglalaro ng full-court basketball.

Sa tweet ni Alejandro Avila, makikitang todo bigay sa pagpapasahan ng bola at pag-shoot ang mga sister na nakabihis pa ng abito.

INNITY ADS

Bagaman mahirap malaman kung sinu-sino ang magkakagrupo, naging agaw-pansin ang nag-iisang madre na puro puti ang suot.

Komento pa ng isang netizen, “The nun in white got skills.”




Ayon sa local media, kilala ang mga madre sa video sa ibinibenta nilang signature sweets.

Ngunit nang dahil sa coronavirus pandemic, pansamantala nilang itinigil ang paggawa ng produkto at inilaan ang oras sa pananahi ng mga face mask bilang donasyon.