PANOORIN: Lola, tinulungan ng tricycle driver na makatawid ng maayos

295
Video shared by Federation Fire Facebook group

Bumilib at pinuri ng publiko ang isang tricycle driver sa Iloilo City na umalalay sa isang lola para makatawid ng maayos noong nakaraang linggo.

Sa kuhang video ng isang netizen, huminto si Ireneo Villanueva sa gitna ng De Leon-Valeria Extension Street, para maitawid ang matandang babae sa kabilang kalye.

 

Agad ito naging viral sa social media at ibinahagi pa ng grupong Federation Fire at Fire Alert Metro Manila.

INNITY ADS

“Was driving along this street, when the tricycle in front of me suddenly stopped. It was a busy street and stopping for just a few seconds would cause traffic congestion. Cars behind me started honking. But instead of getting mad at the tricycle driver, I took out my phone and started taking this video.”

Manong driver got out of his tricycle and helped lola cross the street. Not until he brought her safely to the other side of the street, did he return to his tricycle and drove away,” caption ng uploader.




Batay sa ulat ng isang lokal na istasyon doon, dalawang taon pa lang namamasada ng tricycle sa lungsod si Villanueva.

Masaya rin ang mga opisyal at miyembro ng Barangay Monica Blumentritt Senior Citizens’ Organization sa ipinakitang kabutihan ng tricycle driver.

Ayon sa grupo, labis ang galak nila na may tao pang kagaya ni Ireneo na hindi nagdadalawang-isip tumulong sa mga senior citizen.