PANOORIN: Lalaking estudyante, tumambling para manalo sa sack race

284
Courtesy Leanne Marie Lumanog

Napuno ng tawanan ang sack racing ng isang eskuwelahan matapos ipakita ng isang estudyante ang malupitang teknik upang manalo.

Viral ngayon sa social media ang video ni Leanne Marie Lumanog, mag-aaral mula sa Cebu Normal University, kung saan makikitang umaariba ang moves ng kaklaseng si John Rhiel Joshua Pedoche sa nasabing kompetisyon.

Sa simula pa lamang, masyado nang ginagalingan ni Pedoche dahil siya ang nangunguna sa karera.

INNITY ADS

At para siguradong winner na, tumambling ng bongga ang estudyante hanggang makarating sa finish line.

Kuwento ng uploader, bahagi ng school activity nila ang sack race bilang kumukuha sila ng kursong Bachelor in Physical Education.




Aniya, layunin ng aktibidad na buhayin ang mga tradisyonal na palaro sa bansa.

Umabot na sa mahigit 3.2 million views ang nakatutuwang strategy ni Pedoche.