PANOORIN: Dahil hindi makapunta sa gym, treadmill gamit ang sabon, viral online

1140
(Screengrab from Firas Maksad video on Twitter)

Dahil sa panganib na dala ng coronavirus (COVID-19), nabawasan ang pag-alis-alis ng mga tao sa England para na rin mapanatili ang kaligtasan laban sa sakit na ito.

Nang magsimula ang lockdown, maging ang pagpunta sa mga gym ay hindi na rin magawa ng mga mamamayan dahil sa coronavirus outbreak.

Natigil din maging mga yoga classes, gym workouts, at running on a treadmill.

Dahil dito, isang istilo ng pag-eehersisyo ang naging viral sa social media.

Nagbigay kasi ng ideya ang isang propesor sa George Washington University sa Washington D.C. na makapag-treadmill pa rin kahit nasa loob lang ng bahay.




Ibinahagi ni Prof. Firas Maksad ang kanyang sariling bersyon ng “home-gym” experience video sa kanyang Twitter account.

Dito ay mapapanood kung paano nito ginawa ang kakaibang exercise experience.

Bago ang lahat, kumuha ng sabon si Maksad saka naglagay ng ilang patak sa sahig saka sinundan ng paglalagay ng kaunting tubig.

Maya-maya pa ay umapak siya sa parteng nilagyan niya ng sabon at saka nagsimulang tumakbo mula mabagal hanggang sa bumilis.

Aniya sa kanyang post, “No more gym. Just this every morning #QuarantineLife #coronapocolypse #coronavirus.”

Agad na nagtrending ang video online na umani naman ng samu’t saring reaksyon.

Pumalo na rin sa mahigit 2M views ang naturang video at mayroon ng 13.8 retweets at 60K likes ito sa Twitter.

Mayroon ding nagpadala ng ilang video na kagaya ng ginawa ni Maksad.