PANOORIN: ‘Clingy’ na baboy, umeksena sa live report ng mamamahayag

400

Naging laman ng nagbabagang balita ang isang mamamahayag sa Athens, Greece matapos siyang hindi tantanan ng isang – baboy.

Batay sa ulat ng BBC, mag-uulat sana ng live sa bayan ng Kineta si Lazos Mantikos kaugnay sa pinsalang dinulot ng baha sa naturang lugar.

Subalit hindi siya makapag-report ng maayos dahil ayaw siya lubayan ng hayop na animo’y may gusto sa kaniya.

Nahagip din ng camera na tila kinakagat at nilalambing siya ng baboy.

Ayon kay Mantikos, buong araw na silang sinusundan nito.

Sa halip na putulin on-air, natawa na lamang ang mga anchor sa studio ng nasabing istasyon sa hindi malilimutang karanasan ng reporter nila.

Samantala, hinahanap na ng kinauukulan ang may-ari ng clingy na baboy.