PANOORIN: Boodle fight para sa mga aso, kinagiliwan online

1035
(Screenshot from the video of Tim Fredrik Klitzing Facebook)

Kinagiliwan online ang kakaibang boodle fight na inihanda ng isang babae mula Lambac, Laguna para sa mahigit 20 aso sa Olivar Dog farm.

Sa video na ibinahagi ng Facebook user na si Tom Fredrik Klitzing, matutunghayan ang mga aso habang pinagsasaluhan ang nakahain sa mahabang dahon ng saging kung saan marami rin ang pinanonood sila.

Posted by Tom Fredrik Klitzing on Sunday, October 13, 2019

Ayon sa ulat, isang foreigner ang nakaisip na gawin ang naturang animal party at sa tulong ng The Native Dogs of Lambac na nangangalaga sa mga aso sa lugar, naisagawa ang kakaibang boodle fight.

Nasa 10 kilo ng kanin at 10 malalaking manok daw ang inihanda para sa mga aso at natapos ang masayang kainan sa loob ng halos limang minuto.

Ang naturang boodle fight ay ibinahagi rin sa All About Dogs and Puppies Facebook page na agad nag-trending online at nakatanggap ng samu’t saring reaksyon sa netizens.

Posted by All About Dogs and Puppies on Thursday, November 21, 2019

Posted by All About Dogs and Puppies on Thursday, November 21, 2019

May nagsabing, “So great feelings to see how pple care to this doggies.thank you very much.”

“Sana lhat ganyan magmahal sa mga dogs godbless u all,” sabi naman ng isang nagcomment.

Marami naman ang gustong gayahin ang kakaibang ideya dahil nagsilbi umano itong inspirasyon lalo na sa mga nag-aalaga ng aso.