PANOORIN: 3-anyos, kabisado ang mga dasal at namumuno sa pagro-rosaryo

7283
Courtesy Mary Joyce Q. Montalban

Hinahangaan ngayon online ang isang 3-anyos na lalaki na kabisado ang mga dasal at namumuno pa sa pagro-rosaryo.

Kita sa video na nakaluhod sa harap ng altar ang paslit na si Airik Marquez at nangunguna sa panalangin para sa birhen na ginanap sa Barangay San Francisco, Cebu.

Ang nakabibilib na eksena, nakunan ng kaniyang tiyahin na si Mary Joyce Q. Montalban noong Pebrero 22.

INNITY ADS

Ayon sa uploader, palaging sumasama sa block prayer tuwing hapon ang musmos kaya mabilis niyang natutunan at nakabisa ang iba’t-ibang panalangin.

Bukod dito, lay minister din sa simbahan ang tatay ng bata.




Samantala, todo-puri ang natatanggap ni Airik at ng pamilya niya sa social media dahil sa ipinapakitang pagmamahal sa Diyos.

“Yan ang mga dapat ituro sa mga kabataan ngayon,hindi yung puro gadgets ang hawak…galing nman ng bata .kip it up..”

“Very good boy! Mabebless ka ng Glory ni God at makakasama mo si God hanggang paglaki basta huwag kang maliko ng daan. Mabubuhusan ka ng super amazing na blessing, happiness at peace.”

“Reciting rosary gives strength to whole family.Mother mary and Lord Jesus bless the little Angel.”

“Sana lahat ng mga bata ganyan natututunan nila galing nman ng small boy na yan.”

Labis naman ang pasasalamat ni Mary Joyce sa mga netizen matapos umabot sa halos 2 million views sa Facebook ang naturang video ng pamangkin.