Pambomba ng gulong, nagsilbing nebulizer ng 8-anyos na bata sa Leyte

295
Courtesy Mary Ann Cantado

Kumurot sa puso ng netizens ang kuwento ng walong-taong-gulang na bata sa MacArthur, Leyte na ginagawang nebulizer ang pambomba ng gulong tuwing inaatake ng hika.

Ayon sa magulang ni Lee Begnotea, nasira na ang lumang nebulizer ng anak, dahilan para umisip sila ng ibang paraan upang bumuti ang pakiramdam nito kapag sinusumpong ng sakit.

Bunsod ng kahirapan sa buhay, wala silang pambili ng bagong nebulizer na magagamit sana ng musmos.

INNITY ADS

Hindi rin umano sapat ang kanilang pera para makabiyahe patungo sa pagamutan.

Pero kahit nakakatulong ang pambomba, sinabi ng doktor sa kaanak ni Lee na hindi maganda ang epekto nito sa katawan sanhi ng nakalalasong kemikal.




Sa tulong ng isang concerned citizen, nalaman ng publiko ang kaawa-awang sitwasyon ng musmos sa pamamagitan ng Facebook.

Nang mag-viral sa social media ang kuhang video ni Mary Ann Cantado noong Disyembre, dumagsa ng tulong para sa bata at agad may nagbigay ng bagong nebulizer.

Labis naman ang pasasalamat ng pamilya ni Lee kay Mary Ann at sa lahat ng taong nagmalasakit sa kanilang munting anghel.