#OplanBayanihan: Babae, nanahi ng face mask, ipamimigay sa mga kababayan

299
Courtesy Mary Ann Mantuano

Sa kabila ng matinding unos dulot ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal, hindi nawawala sa mga Pinoy ang diwa ng bayanihan.

Iba’t-ibang kuwento ng pagmamagandang-loob ang nangingibaw ngayon sa social media para sa mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.

Kagaya ng isang ginang sa Lipa City na ginamit ang talento sa pananahi upang makagawa ng pantakip sa ilong.

INNITY ADS

Ayon kay Mary Ann Mantuano, halos 200 face mask ang tinahi ng kaniyang wondermom na si Rosalina at ipapamigay nila ito ng libre.

Dagdag pa ng uploader, hangarin ng nanay niya na makatulong sa kapwa sa kahit anong paraan.




Simula pa noong Linggo, mabilis naubos ang mga itinitindang face mask sa drug store at supermarket bunsod ng patuloy na pagbuga ng abo ng Bulkang Taal.

“Yung mother mo na ‘di alam kung paano tutulong.Ayan po dahil mananahi ang trabaho niya naisip niyang manahi ng face mask para sa mga taong nangangailangan,” bahagi ng Facebook post ni Mary Ann.
Umabot sa mahigit 100,000 shares at 100,000 likes ang post ni Mary Ann na bumuhos ng libu-libong papuri mula sa netizens.