OFW na tumigil sa bisyo, naka-ipon ng isang milyong piso

453
Courtesy Neil Ryan Lorenzo

Kasama ba New Year’s resolution mong makapag-ipon ngayong 2020? Gawing inspirasyon sa pag-iimpok ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Muling nag-viral sa social media ang istoryang ibinahagi ni Neil Ryan Lorenzo noong Nobyembre 13 na kumasa sa “ipon challenge”.

Mahigit isang milyong piso ang naipon ni Lorenzo na nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng mahigit tatlong taon.

INNITY ADS

Para magtagumpay sa hamon, tinalikuran niya ang bisyong paninigarilyo, pag-inom at online gaming. Huminto din siya sa pagbili ng mga mamahaling pagkain.

Agad niya daw hinuhulog sa alkansiya ang mga panggastos sa naturang gawain.




Pag-amin ng OFW, nagkaroon siya ng ideya sa pag-iipon nang mabasa ang tips ng Facebook group na “Pesosense”.

Hangad din ni Lorenzo na makatulong sa mga kababayan at magsilbing halimbawa sa pag-iimpok ng maayos. Ika nga niya, may pera ka na, healthy ka pa.

Sa ngayon, umani ng mahigit 100,000 shares at likes sa Facebook ang kahanga-hangang dedikasyon ng OFW.