OFW na nag-ala Power Ranger, naghatid ng saya, pagkain sa mga bata

187
Courtesy Nagcarlan Vice Mayor Rexon Arevalo

NAGCARLAN, LAGUNA – Good vibes ang hatid ng isang overseas Filipino worker sa ilang kabataang apektado ng enhanced community quarantine dulot ng banta ng COVID-19 pandemic.

Suot ang costume na Power Ranger, naglilibot sa iba’t-ibang barangay sa naturang bayan ang balikbayang si Red Montefalcon para mamigay ng pagkain at makipaglaro sa mga musmos.

Ayon kay Montefalcon, ito raw ang naisip niyang paraan upang maibsan ang kalungkutan ng mga paslit habang umiiral pa ang lockdown.

INNITY ADS

Nakatakda sana siyang bumalik sa Italy subalit naabutan ito ng quarantine at kumakalat din ang virus sa pinagtratrabahuang bansa.

Lubos naman ang pasasalamat ni Nagcarlan Vice Mayor Rexon Arevalo sa kabutihang loob na ipinapadama ni Montefalcon sa kanilang komunidad.




Batid ng OFW na magsilbing inspirasyon sa publiko ang simpleng paraan niya ng pagtulong at sana raw sumunod ang lahat sa patakaran ng gobyerno upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.