‘No ayuda, no problem’: Netizen, ginawang extra special ang low-budget meals ngayong quarantine

870
Facebook/Jadey Ezekiel Detera

Idinaan ng isang netizen sa mala-masterchef na plating ang mga karaniwang inihahain ngayong may enhanced community quarantine.

Good vibes ang dala ng inimbento ni Jadey Ezekiel Detera na “The Middle Class Lockdown Meal”, tampok ang sardinas, instant noodles, tuyo, at iba pa, na extra special ang presentation.

Bukod sa masarap sa mata, bentang-benta rin ang mga naisip niyang pangalan ng putahe gaya na lamang ng “Don’t cry for me Argentina corned beef”, “Enhanced special caldereta de lata” at “Hoy hoy hoy Kamoteng kahoy para Kay manoy”.

INNITY ADS

Pero paglilinaw ni Detere, hindi raw siya chef, “tambay lang”, at paraan niya lang ito para magpasaya ngayong quarantine.

“Kahit walang ayuda—walang problema, Gawan na Lang ng paraan. Goodvibes Lang. Umarte ng naayon sa budget is all I’m saying,” saad niya sa Facebook post.




Nag-viral at sa ngayon ay nasa 24,000 likes at 37,000 shares na ang naturang pakulo ni Detera.