Mga magsasaka, nagbigay ng prutas at gulay sa mga batang natutulog sa kalsada

268

Sa gitna ng enhanced community quarantine, nananaig pa rin ang pagmamahal ng ilang Pinoy sa mga kababayang apektado ng krisis.

Kagaya ng mga magsasaka na galing Cordillera Region na nag-iwan ng mga prutas at gulay sa mga paslit na natutulog sa gilid ng kalsada sa lungsod ng Malabon.

Kita sa litratong ibinahagi ni Jake Gayog ang mga broccoli, strawberry, dalandan, at okra na inihandog ng mga magsasaka sa mga batang lansangan.

when the kids will wake up, even if they did not meet their donor face to face ,im very sure it will bring joy to this…

Posted by Jake Gayog on Wednesday, April 1, 2020

Kuwento ng uploader, gusto ng mga magsasaka na maramdaman ng mga musmos na may nagmamalasakit sa kanila.

“When the kids will wake up, even if they did not meet their donor face to face, i am very sure it will bring joy to this kids. Namiss ko toloy mga anak ko napakaunfair di alam ng mga bata gaano kadelikado ang kanilang sitwasyon kung pwede ko lang kayo maisama sa bundok at mamuhay kayo sa aircon na libre. kung pwede lang sana,” sabi ng netizen sa Facebook post niya.




Dinadala raw ng grupo ni Gayog ang mga gulay sa National Capital Region upang matulungan ang mga magsasaka na mailako ang mga ani nila mula sa norte.

Nanawagan naman ang good samaritan na tulungan ng gobyerno ang mga kapus-palad.

(PHOTO COURTESY OF JAKE GAYOG)