Mag-asawang senior citizen, sabay na gumaling sa coronavirus

620

Hindi napigilan ng isang health worker na maging emosyonal habang kinukunan ng video ang mag-asawang senior citizen na nagtagumpay sa pakikipagtuos sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kuhang video ng medical technologist na si Cessna Valdez-Coronado, pinalakpakan ng medical staff ng VRP Medical Center sa Mandaluyong City ang mga pasyente habang papalabas ng elevator.

Dinala sa Wall of Hope area ang mag-asawa kung saan makikita ang mga mensahe ng pagbati, pag-asa, at pag-ibig mula sa iba’t-ibang indibidwal.

INNITY ADS

Ayon kay Coronado, pinili ng dalawa na magkasamang lumaban sa nakakahawang virus at sabay din silang gumaling sa sakit.

Bago ma-discharge ang matandang mag-asawa, binigyan sila ng “hope cards” na ginawa ng mga bata para sa mga tinamaan ng COVID-19.




Kumurot naman sa puso ng mga netizen ang naturang eksena, dahilan para umabot ito ng mahigit 100,000 reactions sa social media.

(Courtesy of Cessna Valdez-Coronado)