LOOK: Ulap na kakulay ng bahaghari, nasilayan sa Gapan, Nueva Ecija

164

Isang kamangha-manghang tanawin ang nasilayan sa Barangay Mangino, Gapan City, Nueva Ecija pasado alas-5 ng hapon nitong Lunes.

Sa mga kuhang litrato ni Clark Joseph Angeles, makikita ang mga ulap na kakulay ng bahaghari at tila humahalubilo sa bughaw na kalangitan.

Ibinahagi niya sa social media ang nakabibighaning larawan na umani ng mga positibong reaksyon mula sa maraming netizen.

Rainbows Clouds AGAIN and AGAIN!! Pangatlong araw na ito! Ang ganda ang laki!Featured in PHILIPPINE…

Posted by Clark Joseph Angeles II on Monday, July 6, 2020

Kuwento ng uploader, umaabon noon sa kanilang lugar nang unti-unting magpakita ang makukulay na ulap. Pangatlong beses na raw niyang namataan ang kakaibang tanawin sa himpapawid.

Paliwanag ng PAG-ASA, ang insidenteng ito ay tinatawag “cloud iridescence”.




Nagaganap ang nasabing phenomenon kapag tumatama ang liwanag ng araw sa maliliit na ice crystals at water droplets na nasa ulap.

(PHOTO COURTESY OF CLARK JOSEPH ANGELES)