LOOK: Mga pusa, marunong sumunod sa physical distancing

1027
Courtesy of Coleen Joice Aquino

Kinagigiliwan ngayon ng mga netizen ang kuhang litrato ni Coleen Joice Aquino sa labas ng isang palengke sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ang mga pusa kasi sa larawan, tila sumusunod sa protocol ng physical distancing makaraang pumuwesto sa ginawang circle marks para sa mga mamimili ng isang tindahan doon.

Kuwento ng uploader, halos sampung minuto nanatili ang mga hayop sa naturang markings.
“Isa isa po silang pumunta sa circles. Natuwa po ako kaya kinuhanan ko po sila ng pictures,” sambit ng dalagita.
Kaagad nag-viral sa social media ang post ni Aquino tungkol sa mga masunuring hayop, na umani ng 16,000 shares at 7,000 reactions.
https://www.facebook.com/coleen.seno/posts/1352695088275023