LOOK: Mga kabibe, nagkalat sa dalampasigan ng Boracay

8334
PHOTO COURTESY OF TOTI ARCIBAL SALUNA

Viral ngayon sa internet ang mga litrato ng sangkaterbang kabibe na nagkalat sa dalampasigan ng Boracay beach.

Umani ng 5,500 shares at 3,300 likes sa Facebook ang kuhang larawan ni Toti Arcibal Saluna nitong Linggo, Mayo 24.

Kuwento ng uploader na residente ng lugar, labis silang namangha sa angking ganda ng mga kabibeng namataan sa shoreline.

INNITY ADS

Ayon pa kay Saluna, sa tagal niyang nakatira sa isla ay ito raw ang unang pagkakataong nakakita siya ng sandamakmak na kabibe sa beach front.

Pinag-aaral naman ngayon ng isang marine biologist ang naturang insidente.




Paliwanag ni Haron Deo Vargas mula sa City Environment and Natural Resources Office, posible raw na may nanguha ng scallops sa ilalim ng dagat at napabayaan ito hanggang sa madala ng alon.

Tinitingnan din niya ang anggulong nasa decomposition stage ito at kinain daw ng mga isda ang pinakamalambot na bahagi nito.

Kinukuha naman ng ilang residente ang mga kabibe para iwas-disgrasya sa mga naglalakad sa dalampasigan o lumalangoy sa dagat.