LOOK: Makapal na abo mula sa Bulkang Taal, nagmistulang wedding backdrop

161
Courtesy Randolf Evan Photography

Hindi napigilan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal ang pag-iisang dibdib ng ilang magkasintahan sa Alfonso, Cavite nitong Linggo.

Sa kuhang litrato ng Randolf Evan Photography, animo’y backdrop sa venue nina Chino Vaflor at Kat Bautista Palamor ang makapal na usok mula sa nagwawalang bulkan.

Nanatiling kalmado ang mga bisita ng bride at groom at tinapos rin ang seremonyas at kainan.

INNITY ADS

Aminadong kinakabahan ang mga videographer at photographer habang kinukunan ang bagong kasal at inilalarawan nila ang naturang karanasan na buwis-buhay.

Ganito rin ang sitwasyon ng magkasintahang Evan and Kristine na ikinasal sa Lipa City, Batangas sa parehong araw.




Kita sa larawang ibinahagi ng Nice Print Photography and Exige Weddings ang patuloy na pagbuga ng abo ng Bulkang Taal na humalo sa kadiliman ng langit.

Pero sa kabila ng makatindig-balahibong insidente, mapayapang nakauwi ang mga dumalo sa one-of-a-kind wedding na siguradong hindi nila malilimutan.