LOOK: Fashion designer sa New York, pina-wow ang netizens sa edad na 71

472
(Vera Wang Instagram)

Humanga ang maraming social media user dahil sa young-looking fashion designer na si Vera Wang ng New York sa edad na 71.

Nagsimulang mag-viral online si Wang nang may isang netizen ang nagpost sa Twitter ng IG pictures nito suot ang kulay orange na bra’t dress.

Ibinahagi ng Twitter user na si Bob ang quarantine photos ni Wang na may caption na, “This b*tch Vera Wang is 70?”.

(Picture: Vera Wang Twitter)

Agad itong ni-retweet ni Wang at sinabing, “Fact Check: Truth.”

Matapos magviral ay sari-saring katanungan ang sinagot ng designer dahil sa tila hindi niya kumukupas na ganda.




โ€œFocus your mind on something you love to do,โ€ aniya nang tanungin ng netizen kung ano ang itinatagong sikreto.

Sabi pa nito, malaking bagay daw ang pagtulog, ang trabaho at hindi masyadong pagbabad sa araw para mapantili ang mas batang itsura.

Sa panayam ng Harper’s Bazaar, ibinahagi ni Wang ang mga paborito niyang pagkain gaya ng brown rice at mga gulay.

โ€œI go through phases with what I eat for lunch: I like sashimi with brown rice and vegetables, Chinese steamed broccoli with chicken and rice, or the artichoke salad or fish from Sant Ambroeus,โ€ kwento niya.

Samantala, kilala si Vera Wang na isang fashion designer sa New York sa kanyang mga iconic wedding dress.