LOOK: Bride at groom sumakay sa ‘improvised motorcycle’ para makarating sa kasal

1816
Courtesy Riza Palencia

Pinusuan online ang nakatutuwa at maabilidad na paandar ng magkasintahang nakiisa sa kasalang bayan sa Tulunan, North Cotabato nitong Valentine’s Day.

Imbis kasi ng kotse, improvised motorcycle ang nagsilbing bridal car ng newlywed couple.

Kita sa kuhang litrato at video ni Riza Palancia na kinabitan ng extension ang magkabilang gilid ng motorsiklo kung saan umupo ang bride at groom.

INNITY ADS

Nilagyan naman ng puting tela at korteng puso na dekorasyon ang improvised bridal vehicle.

Samantala, nakapuwesto sa harapan ng rider ang kanilang flower girl na super chill habang bumabiyahe.




Kuwento ng bagong kasal, sumakay sila ng motorsiklo para mas mabilis na makarating sa lokasyon ng seremonyas.

Galing raw ang dalawa sa pinakamalayong barangay ng lalawigan at ito lamang ang tanging mode of transporation pababa sa bayan.