LOOK: Bride at groom, ginawang bridal car ang kariton na hinihila ng kalabaw

344
Courtesy Rommel Arabejo

Agaw-pansin ngayon sa social media ang litrato ng kakaibang kasalang naganap sa probinsiya ng Sultan Kudarat.

Sa halip na magarbo at puting sasakyan, kariton na hinihinila ng kalabaw ang nagsilbing bridal car nina Jovert Torres at Marjorie Rombaoa.

Hindi inalintana ng bagong kasal ang matinding sikat ng araw makarating lamang sa reception.

INNITY ADS

Ikinasal ang dalawa noong Biyernes sa Centro La Caridad, Brgy. Tual, Pres. Quirino na pinangunahan ni Officiating Brother Councilor Rommel Arabejo.

Isang sundalo si Jovert at guro naman sa pampublikong paaralan si Marjorie.




Ayon sa pamahalaang bayan, ito raw ang unang beses na may bride at groom na gumamit ng kariton at kalabaw.

Hindi akalain ni Arabejo na siya din kumuha ng mga larawan na magiging viral ito online.

Sa ngayon, umabot na ito sa 1,000 shares at likes sa Facebook at Twitter.