LOOK: Bela Padilla, nagsuot ng swimsuit sa gitna ng snow

2713
Image from Instagram/Bela Padilla
Kahit bumubuhos ng niyebe, nagawa pa din ni Bela Padilla na painitin ang lugar matapos magsuot ng isang sexy outfit.
Sa viral photo sa social media, todo-awra sa harap ng camera ang aktres habang naka-swimsuit at tila hindi natitinag sa matinding lamig.

View this post on Instagram

vanilla milkshake 🥤

A post shared by Bela Padilla (@bela) on

“Vanilla milkshake”, caption ni Padilla sa Instagram na mayroon nang 350,000 likes.
Ilan sa mga artistang napa-wow sa eksena ng “On Vodka, Beers, and Regrets” lead star ay sina Paolo Ballesteros, Lovi Poe, JM De Guzman, Sarah Lahbati, at Ivana Alawi.
Kuha raw ang litrato sa South Korea kung saan siya nagsu-shoot ng pelikulang “Ultimate Oppa” na prinoduce ng Viva Films at Reality Entertainment.
Si Korean actor Kim Gun-Woo ang katambal ng Kapamilya celebrity sa naturang pelikula.
Batay sa ulat ng PEP.ph, karamihan sa mga tagpo ay kinunan sa Yongpyong Ski Resort sa Gangwon-Do.