Lolo, nilibre ng grocery items ng 2 babaeng nakasabay sa supermarket

3352

Kumurot sa puso ng mga netizen ang kabaitang ipinakita ng dalawang babae sa isang matandang lalaki na nakasabay nila sa loob ng supermarket noong Miyerkoles ng gabi.

Kuwento ni Lane Blackwater, napansin ng mga good samaritan na halos walang laman ang basket ni lolo kaya nagdesisyon silang punuin nito.

Sinabihan din nila ang matandang lalaki na huwag mag-alala sa gastusin dahil sila ang magbabayad ng grocery items.

INNITY ADS

“Manong was reluctant pa pero sa matagalang pagpilit sa kanya, napapayag din siya. Umalis siya saglit at kumuha ng dalawang piraso ng bread. So sabi ni girl na, “yan lang po kinuha nyo? Kuha pa po kayo. Dagdagan nyo pa po.”

Bakas daw sa mukha ni lolo ang matinding kasiyahan dahil sa dami ng laman ng kaniyang basket.




“In the end, pati yung ibang nasa counter na customer ay nagbigay na rin ng konti-konting items like Spam and etc. (na they paid) kay Manong at may nag-offer pa na sila na magbabayad ng mga items ni Manong.”

Tila nahawa naman ng kabaitan ang ilang mamimili dahil inilibre rin nila ang matandang lalaki.

Umani naman ng mahigit 800,000 positive reactions sa social media ang nakatutuwang eksena.

(PHOTOS COURTESY OF LANE BLACKWATER)