
Viral ang litrato ng isang guro ng Saint Joseph Institute of Technology sa Butuan City habang inaalagaan nito ang anak ng kanyang estudyante para makapag-take ito ng exam.

Ayon sa guro na si Clariz Lasala, nagpaalam daw ang isa sa kanyang mga estudyante kung pwede itong lumiban sa klase dahil wala umanong magbabantay sa kanyang anak.
Hindi na rin daw makakakuha ng quiz ang naturang estudyante dahil walang kahit sinong maiiwan para alagaan ang anak nito.
Agad na sinabi ni Lasala sa bata na siya na muna ang mag-aalaga sa anak niya para makakuha siya ng exam.
Sabi ni Lasala sa kanyang twitter post, “This experience is from above to help me become a person for others and I count this as a blessing. I am blessed and truly full.”
:Ma’am? Pwede ko mag excuse sa quiz today? Wala man gyud mka bantay sa akong baby
:Take the quiz and I’ll take care of your babyThis experience is from above to help me become a person for others and I count this as a blessing. I am blessed and truly full. 🥺💛 pic.twitter.com/mM9gUbcWl1
— clang (@lasalaclariz) October 9, 2019
Ayon sa ulat, si Lasala ay isang fresh graduate ng Xavier University-Ateneo de Cagayan at nagsimula umano itong magturo ng Business Finance.
Pinuri rin niya ang mga magulang ng naturang baby dahil sa pagti-tyaga ng mga ito sa pag-aaral para sa kinabukasan ng anak.
Samu’t saring reaksyon naman ang natanggap ni Lasala sa mga netizens.